Nag-paalala ang mga doktor sa publiko na ingatan ang kanilang kalusugan dahil sa mabilis na pabagu-bagong panahon.
Ayon sa spokesperson ng Lung Center of the Philippines, mas madaling magkaroon ng sipon, allergic rhinitis at upper respiratory tract infection dahil sa pabagu-bagong panahon.
Anila, hangga’t maaari ay umiwas muna sa mga taong may sakit upang hindi mahawa at huwag mag-self medicate.
Batay sa kanilang datos, halos pareho na ang bilang ng out-patients sa nag-daang malamig na buwan, bagaman peak season ang tag-ulan o mula Hulyo hanggang Agosto.