TANGALAN, Aklan (Eagle News) — Tinatayang nasa isangdaan (100) mga dolphin na kasinglaki ng kalabaw ang nakita sa baybaying dagat ng Barangay Afga, Tangalan, Aklan.
Tuwang -tuwa ang mga bantay-dagat maging ang mga residente sa lugar sa nasaksihan nilang maraming mga dolphin na napadpad sa nasabing dalampasigan.
Ayon kay Glenda Sanchez, Municipal Environment ang Natural Resources Officer ng Tangalan, ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na may nakitang ganito karaming mga malalaking dolphin sa lugar.
Posible daw na kaya napadpad ang mga dolphin sa naturang lugar ay dahil sa malinis na baybayin at coral na matatagpuan dito.
Walang namang nakita sa mga dolphin na napadpad sa lugar na nanghina o nasugatan.
Ayon pa sa mga nakasaksi, tumagal aniya ng halos isang oras ang pamamalagi ng mga dolhin sa lugar.
Eagle News Correspondent, Aklan, Alan Gementiza