(Eagle News) — Mahigit sa isang libong contractual workers ng telephone company na PLDT ang nagtipun-tipon sa harap ng PLDT TelTech HR Office sa Mandaluyong City ngayong araw, Hunyo 1.
Ito ay upang manawagan na ipatupad na ang regularization sa kanila kasunod na rin ng paglalabas ng writ of execution ng Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR).
Pinangunahan ito ng Manggagawa sa Komunikasyon ng Pilipinas (MKP) na halos dalawang dekada na umanong pinaglalaban ang kontraktwalisasyon.
Kamakailan lang ay inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang top 20 na kumpanyang nagpapatupad ng labor-only contracting at isa na nga rito ang PLDT.
Samantala, nagkalat na ang mga kapulisan sa paligid ng naturang building para hindi makaabala sa daloy ng trapiko ang gagawing negosasyon ngayong araw.