Mga heneral na pinangalanan ni Duterte, nagulat, itinangging sangkot sila sa droga

(Eagle News) — Ikinagulat naman ni General Edgardo Tinio at General Bernardo Diaz ang ibinunyag ni Pangulong Duterte sa taumbayan na kabilang sila sa mga opisyal ng Philippine National Police na sangkot diumano sa iligal na droga.

Ayon kay Tinio, handa  siyang magreport sa PNP chief at magpa-lie detector test para malaman ang katotohanan sa kaniyang umano’y pagkakasangkot sa ilegal na droga.  Pinabulaanan  din ni Diaz ang mga akusasyon na sangkot siya sa iligal na droga.

Sinabi rin ni Diaz na sa mismong araw ng bukas (Miyerkules, Hulyo 6) ay i-piprisinta niya ang kaniyang sarili kay Police Director General  Dela Rosa sa Camp Crame.

Ihaharap aniya nito ang kaniyang sarili para maimbestigahan dahil walang katotohanan ang mga akusasyon.

Umaasa naman si dating heneral at ngayo’y   Daanbantayan,Cebu Mayor Vicente Loot na mabibigyan siya ng pagkakataon na linisin  ang kaniyang pangalan

Ayon kay Loot, nabigla siya nang marinig ang pahayag ni Pangulong Duterte,

Nabiktima lamang aniya siya ng black propaganda.

Sinisikap pang kunin ng NET 25 ang reaksyon ng iba pang idinadawit sa isyu.

Related Post

This website uses cookies.