Dinagsa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang Philippine Arena kaugnay ng ika-isandaan at isang taong anibersaryo nito noong Hulyo 27, araw ng lunes.
Gabi pa lamang ng Sabado (Hulyo 26) ay nagdatingan na ang mga kaanib sa Ciudad de Victoria, Bocaue, Bulacan upang daluhan ang isinagawang pagsamba sa Philippine Arena na pinangasiwaan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo.
Marami sa mga kaanib nito ay nakipagkaisa sa iba’t-ibang palaro o ballgames katulad ng Basketball, Football at Volleyball.
Layunin ng nasabing aktibidad na lalo pang maging malapit ang damdamin ng magkakapatid sa Iglesia. Isa rin sa layunin ng nasabing aktibidad na lalo pang paigtingin ng bawat isa ang pagkakaisa at disiplina lalo na sa pakikipagisa sa Pamamahala.
(Agila Probinsya Correspondent Freddie Rulloda)