Mga kaanib ng Iglesia ni Cristo nagsagawa ng Clean Up Drive sa Kinanliman River sa Real, Quezon

REAL, Quezon (Eagle News) – “Giyera Laban Sa Basura”, ito ang naging tema ng isang malakas at nagkakaisang pagkilos na isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa paglilinis ng Kinanliman River sa Real, Quezon. Sumama rin ang halos lahat ng Departamento ng Gobyerno sa nasabing bayan.

Ang nasabing “Clean Up Drive” ay pinangunahan ni Bro. Isaias A. Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North. Nakipagkaisa rin ang mga Ministro at maraming miyembro ng INC. Sumama rin sa aktibidad ang Mayor, Vice Mayor, Konsehal at lahat ng Lingkod Bayan ng Municipality of Real at nasa iba’t-ibang Barangay.

Sa kabila ng pag-ulan ay nagkaisa pa rin ang lahat sa paglilinis ng nasabing ilog na ang layunin ay maipagmalasakit at pakinabangan ang kalikasan.

Ang ganitong mga aktibidad ay patuloy na ginagawa ng mga kaanib ng INC ni Cristo sa pangunguna ni Bro. Eduardo V. Manalo, INC Executive Minister.

Courtesy: Nice Gurango – Real, Quezon Correspondent

Related Post

This website uses cookies.