Mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Bislig, Surigao del Sur, pinangunahan ang Linis-Paaralan Project

BISLIG City, Surigao del Sur —  Maaga pa lamang ay masigla at masayang dumating ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo dala ang kanilang gamit panlinis para makiisa sa inilunsad na progama ng pamamahala ng Iglesia ni Cristo na Linis-Paaralan dito sa Bislig City, Surigao del Sur.

Isinagawa ito sa tatlong paaralan sa Mangagoy East Elementary School, Olayvar Elementary Schoool at Mangagoy Hilltop Elementary School.

Nagtutulong-tulong ang mga kaanib sa paglilinis at pagkukumpuni sa mga paaralang nabanggit. Masaya ang mga tumulong sa nasabing aktibidad mula sa mga kabataan maging ang mga magulang.

Layunin ng nasabing aktibidad na makatulong sa paghahanda sa mga paaralan ngayong darating na pasukan.

Nagpahayag naman ng pagpapasalamat ang mga kinatawan ng paaralan sa magandang naidulot ng aktibidad. Ayon sa Punong Guro ng Mangagoy East Elementary School na si Mrs. Suzzette Silvoza, malaki ang naitutulong ng nasabing aktibidad upang maagang maihanda ang mga classroom at school grounds para sa nalalapit na pasukan ngayon darating na Hunyo 13, 2016.

(Eagle News Alvin Santillana – Bislig City Correspondent)

 

Related Post

This website uses cookies.