Mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Infanta, Quezon, nagsagawa ng Linis-Dalampasigan

INFANTA, Quezon (Eagle News). Isang pagkilos para sa kalikasan ang isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Brgy. Libjo, Infanta, Quezon noong Sabado, July 9, 2016 na tinawag nilang “Linis Dalampasigan”. Buong pagmamalasakit na pinulot at inilagay sa sako ang mga basura tulad ng plastik, lata at basag na bote mula sa dalampasigan ng nasabing barangay.

Nasa halos 500 na kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang nakiisa sa paglilinis. Maaga pa lang ay nagtipun-tipon na ang pami-pamilyang nakiisa sa nasabing aktibidad. Handa silang sumama sa ganitong kilusan upang ipagmalasakit ang kalinisan ng kapaligiran. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Bro. Isaias Hipolito, Distirict Supervising Minister ng hilagang bahagi ng Quezon.

Nagpasalamat sa Iglesia Ni Cristo ang mga awtoridad ng Brgy. Libjo at ng bayan ng Infanta sa pagkilos na ito ng INC para sa kapakanan ng kalikasan at ng nakararami.

(Eagle News Correspondent, Nice Gurango)

Related Post

This website uses cookies.