Mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Camarines Norte, aktibong nakiisa sa Worldwide Distribution of Pamphlets

Daet, Camarines Norte (Eagle News)– Masaya at aktibong nakipagkaisa ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa 12 bayan ng lalawigan ng Camarines Norte kaugnay ng WorldWide Distribution of Pamphlets na inilunsad ng Pamamahala na isinagawa nitong Mayo 14 at 15, 2016

Sa naturang aktibidad ay naging matagumpay sa kabila ng init ng araw, layo ng mga binisitang barangay at mga purok, at mga kaparaanan kung paano makakarating sa lugar maipamahagi lang ang mga polyetos sa mga hindi pa kaanib sa INC.

May ilang mga kaanib pa na kinailangang sumakay ng bangka, umakyat ng bundok, baybayin ang mga sulok ng daan at mga kabahayan upang makipagkaisa lamang sa mahalagang aktibidad ng INC sa buong mundo.

Bawat masalubong sa daan, lalo na ang nasa loob ng bahay ay binibigyan ng polyeto.

 

May mga inaabutan ng polyeto na nagdadalawang-isip na tanggapin subalit dahil sa maayos na pagpapaliwanag ng mga kapatid na nagbibigay ay malugod nila itong tinanggap.

Ang ganitong gawain ng Iglesia Ni Cristo ay magpapatuloy upang lubos na makilala at maunawaan ng mga tao ang kahalagahan ng pag-anib at pagiging bahagi ng Iglesia Ni Cristo. (Eagles News/Edwin Datan, Jr.)

Related Post

This website uses cookies.