REAL, Quezon (Eagle News) – Matapos isagawa ang paglilinis sa Kinanliman River ay muling nagsagawa ng “Clean-up Drive” sa tabing-dagat ng Brgy. Kinalumbakan ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Real, Quezon. Pinangunahan ito ni Bro. Isaias Hipolito, District Supervising Minister ng Distrito ng Quezon North. Sumama din sa aktibidad ang mga ministro at ang kanilang maybahay at mga anak.
Layunin ng aktibidad na lalong mapaganda at maging malinis ang mga dalampasigan upang pakinabangan ng mga mamamayan at maging ng mga nasa karatig lalawigan na ang hanap ay ang tahimik na mga lugar kung saan maaaring isagawa ang family bonding o mga aktibidad na angkop sa mga kompanya at barkada.
Masaya ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na nakipagkaisa sa nasabing aktibidad. Sumama sa paglilinis ang kapitan at mga konsehal ng nasabing Barangay.
Courtesy: Nice Gurango – Real, Quezon Correspondent