(Eagle News) — Pinangunahan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang Brigada Eskwela 2018 sa Bataan National High School sa siyudad ng Balanga, Bataan.
Proyekto ito ng Department of Education na ginagawa sa buong Pilipinas taun-taon.
Ang nasabing aktibitad ay mayroong temang “Pagkakaisa para sa Handa, Ligtas at Matatag na Paaralan Tungo sa Magandang Kinabukasan.”
Nagtipun-tipon sa covered court ng eskwelahan ang lahat ng nakiisang miyembro ng INC bago tumungo sa kani-kanilang lugar na lilinisin.
Bawat isa sa kanila ay may dalang gamit na panlinis tulad ng walis, basahan, dust pan, mga sako na paglagyan ng basura at pintura.
Tulong ito ng Iglesia Ni Cristo sa eskwelahang para makatulong sa paglilinis para maihanda sa darating na pasukan.
Pinangunahan ito ni Brother Manuel Soriano Tagapangasiwa ng Bataan kasama ang mga ministro at mga miyembro dito.
Laking pasalamat naman ni Ginang Merlinda Dominguez principal ng eskwelahan sa ginawang pakikiisa ng mga INC sa Brigada Eskwela. (Josie Martinez with a report from Eagle News Service Jerold Tagbo)