(Eagle News) — Itinurn-over na ng National Capital Regional Police Office sa Malabon City Prosecutor’s Office ang kaso ng mga kabataang nag-viral sa social media dahil sa paggamit ng marijuana.
Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, inaantay na lamang nila ang resulta ng confirmatory sa drug test ng mga ito.
Sa ngayon, ay sasailalim ang mga nasabing kabataan sa wellness program bilang bahagi ng community based rehabilitation program.
Ayon sa opisyal, bagamat boluntaryong sumuko ang mga ito at humingi ng paumanhin sa ginawang pagmumura kay pangulong duterte, kailangan pa rin silang kasuhan dahil may nilabag silang mga batas.
Tiniyak naman ng NCRPO Chief sa mga magulang ng mga kabataan na bibigyan sila ng proteksyon at aalalayan habang nasa kustodiya ng pulisya.
Samantala, nanawagan din si Eleazar sa publiko lalo na sa mga kabataan na maging responsable sa paggamit ng social media.