Mga kasama sa 4P sa 22 barangay sa Pangasinan, binigyang muli ng tulong pinansyal

photo_2016-05-26_14-42-51
Ilan sa beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa 22 barangay sa Pangasinan na nakatanggap muli ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaan. (Eagle News Service)

 

By Elsie Echanes
Eagle News Service, Pangasinan

LAOAC, Pangasinan (Eagle News) — Nakatanggap muli ng tulong pinansyal ang mga kasama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P) mula sa 22 barangay dito sa bayan ng Laoac, Pangasinan.

Maagang dumating ang mga beneficiaries sa Farmers’ Training Building sa Laoac upang tanggapin ang kanilaang tulong pinansyal.

Pinagpapasalamat ng mga beneficiary ang programang ito dahil sa malaking naitulong nito sa kanilang mga buhay.  Tumatanggap sila ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan kada dalawang buwan.

Samantala, pinayagan din ng makakuha ng tulong-pinansiyal ang mga kasama sa 4P na hindi nakarating subalit nakapagpadala ng mga kinatawan na may authorization letter.

 Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P) ay isang hakbang ng pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan na may layuning tugunan ang pangunahing pangangailangan ng pinakamahihirap na pamilya at sirain ang siklo ng kahirapang naipapasa sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan at edukasyon ng mahihirap na kabataan.

 

photo_2016-05-26_14-42-11 photo_2016-05-26_14-42-37 photo_2016-05-26_14-42-58 photo_2016-05-26_14-43-16 photo_2016-05-26_14-44-14