Mga kaso ni ex-CJ Corona, ibinasura ng Court of Appeals

Tuluyan nang ibinasura ng Court of Tax Appeals (CTA) ang dalawa sa mga kaso ni dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ito’y dahil pumanaw na noong Abril 29 ang dating punong mahistrado sa edad na 67 dahil sa cardiac arrest.

Ayon sa korte, hindi na maaaring idiin ang isang akusado kung ito ay pumanaw na dahil hindi na nito maipagtatanggol ang sarili.

Nag-ugat ang mga kaso ni Corona sa umano’y mga hindi nito nabayarang buwis habang siya ay nakaupo pa sa tungkulin.   (Eagle News)

Related Post

This website uses cookies.