(Eagle News) – Tumaas ang bilang ng mga kawani ng gobyerno na nadakip sa isinagawang buy-bust operation noong 2017 kumpara sa nakalipas na taon.
Ito ay batay sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Lumalabas na 301 mga government worker ang kanilang naaresto noong 2017, habang 231 lamang noong 2016.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang kawani ng gobyernong naaresto ay binubuo ng 129 na elected officials, 27 uniformed personnel at 145 na government employees.
Bukod sa absolute perpetual disqualification maaari silang patawan ng korte ng maximum penalty sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002.
(Eagle News Service)
https://youtu.be/nacMU2ZpjW0