(Eagle News) — Ilang lugar ang nagsuspinde ng klase ngayong araw, Hunyo 6, dahil sa Tropical Depression Domeng.
Sa abiso ng Department of Education, suspendido na ang klase sa mga sumusunod na lugar: Midsayap (All Public Schools), Pigcauyan, Libungan (all levels) sa South Cotabato.
Suspendido din ang klase sa primary at secondary level sa Biliran Island sa Eastern Visayas.
Samantala, napanatili ng Bagyong Domeng ang lakas nito habang kumilos pahilaga-hilagang kanluran ng philippine sea sa bilis na 15 kilometro kada-oras.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang sentro ng Bagyong Domeng sa layong 805 kilometro silangan ng catarman northern samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.
Inaasahang magdadala ang bagyong domeng ng katamtaman hanggang sa minsanang malakas na pag-uulan sa Central Visayas, Eastern Visayas, Caraga at Hilagang Mindanao.
Samantala, nanatili namang mababa ang tsansa na tumama ito sa lupa pero hahatakin nito ang hanging amihan na magdadala naman ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa bahagi ng Mimaropa at Western Visayas Region simula sa Huwebes at kanlurang bahagi ng Luzon sa Biyernes.
Posible namang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Domeng sa Linggo ng gabi.