Mga kritiko ng martial law ipadala na lang sa Mindanao – Sen. Sotto

(Eagle News) — Makabubuting ipadala na lamang sa Marawi City ang lahat ng mga kritiko ng idineklarang batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

“Padala na lang lahat ng kontra sa Marawi. Sila tumapos ng gulo,” ito ang naging pahayag ni Senate Majority Leader Tito Sotto kasunod ng isinagawang oral arguments ng Korte Suprema kung saan iginigiit ng mga petitioner na walang sapat na batayan ang pagpapatupad ng martial law.

Ayon kay Sotto, tila sinabi na rin ng mga kontra martial law na hindi katumbas ng kamatayan ang suicide at malinaw na tinututulungan ng mga kritiko ang Maute Group sa pagpaplano nitong kubkubin ang lungsod.

“It’s the same, because the terrorists are aided by the rebels and are rebelling against the government. It’s like saying that suicide does not equate to death! Wala lang masabi!” paliwanag ni Sotto.

“They (Maute) are using terrorism to foster rebellion. It’s as simple as that!” dagdag pa ng senador.

Related Post

This website uses cookies.