MANILA, Philippines (Eagle News) — Umabot halos apat na raaang (400) motorista ang nasita at napagsabihan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng dry run ng ‘no window hour policy’ sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ayon sa napagkasunduang polisiya, simula sa Lunes, October 17 ay ticket na ang katapat ng mga mahuhuling lalabag sa ‘no window hour’ na may katumbas na 300 pesos na penalty.