Mga larawan ng “filming” ng pag-akyat sa hagdan ni Lottie Hemedez, kumakalat sa social media

May mga kumakalat sa social media na mga larawan na kung saan makikita ang pag-i-stage ng kunwaring pag-akyat sa hagdan ni Ginang Lottie Hemedez sa loob ng #36 Tandang Sora compound ng Iglesia Ni Cristo.
Ang kuha, ayon sa sources, ay galing sa remote CCTV camera.

Nais diumanong palabasin ni Ginang Lottie at papaniwalain ang media at ang madla ukol sa diumano’y kaawa-awa niyang kalagayan, kaya’t kinailangang i-film at i-stage ang naturang eksena.

Noong December 16 ay naglabas sa social media ang kampo nina Mrs. Lottie Hemedez ng larawan na nagpapakita na siya ay umaakyat sa isang hagdan. Kinailangan daw na gawin niya ito para lang makalabas sa compound ng #36 Tandang Sora at makadalo sa court hearing sa QC RTC.

Ngunit may mga larawang kuha mula sa pagkakataong iyon na nagpapatunay na “palabas” lamang ito.

Lalong napatunayan ito nang magpunta sa #36 Tandang Sora ang court sheriff at mga abogado ng magkabilang panig nang gabi ng December 16 at makitang wala namang harang sa pagitan ng bahay na tinutuluyan ni Mrs. Lottie Hemedez at ng gate ng compound.

Ang kampo naman ni Lottie Hemedez, nakipag closed-door meeting nitong Biernes ng hapon (Enero 15) sa mga Barangay officials ng Brgy.New Era.

Pahirapan naman na makakuha ng pahayag mula sa kanya ang NET25-Eagle News team.

Alamin ang detalye mula kay Aily Millo:

This website uses cookies.