(Eagle News) – Nasa maayos nang kalagayan ang tinatayang 600 na mga mag-aaral ng Mindanao State University matapos ma-trap ang mga ito sa loob ng pamantasan sa kasagsagan ng bakbakan ng militar at ng Maute terrorist group sa Marawi City.
Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, nakauwi ang mga mag-aaral makaraang matiyak na wala na sa paligid ng unibersidad ang mga bandido.
Gayunman, kinakailangang aniyang sumailalim sa stress debriefing ang ilan sa mga ito dahil sa matinding trauma.