MANILA, Philippines –Nagsipagtapos na ang mga mag-aaral ng Summer Pre-Kindergarten Program ng New Era University sa iba’t-ibang mga lugar sa Metro Manila.
Ang nasabing proyekto ay naglalayon na makapagbigay ng libreng Kindergarten Education Program na handog sa mga batang may edad 4-6 na taong gulang kaanib man o hindi kaanib ng Iglesia Ni Cristo.
Dalawang buwan ding tinuruan ng mga para-teachers o volunteer teachers ang mga batang mag-aaral.
Pinasalamatan naman ng volunteer teachers ang mga magulang ng mga nagsipagtapos dahil sa kanilang ipinakitang suporta at pakikipagtulungan sa kanila para matagumpay na maitaguyod ang naturang programa.
Kaugnay nito, pinasalamatan din ng mga magulang ang volunteer teachers , lalo na ang NEU na nagkaloob sa kanila ng libreng edukasyon pang -kindergarten para sa kanilang mga anak.
Narito ang ilang mga lugar sa Metro Manila na may mga nagsipagtapos sa Summer Pre-Kindergarten Program at ang kabuuang bilang nila :
Pateros 18, Sacramento, Makati 12, Severina 18, Parañaque ay 96, Glorietta Tala, Caloocan 40, UPI -5 Parañaque 165, Cupang Munti, Muntinlupa 235, Fourth Estate, Parañaque 15, Central Signal, Taguig 26, Pamplona, Las Piñas 9.
Severina 18, Parañaque
Sacramento, Makati
Cupang Munti, Muntinlupa
Glorietta Tala, Caloocan City
Fourth Estate, Parañaque
Pateros