LUCENA CITY, Quezon (Eagle News) — Ipinamahagi na ang libreng hybrid na punla ng palay sa mga magsasaka sa mga taga Brgy. Bato ng Mauban.
Bahagi ito ng proyekto ng Municipal Agriculture Office upang lalong maging mataas ang uri ng mga aanihing bigas dito pagdating ng panahon.
Ayon sa mga awtoridad, sa ganitong paraan ay lalong tataas ang magiging produksyon ng mga magsasaka , mabilis nila itong maibibenta sa merkado at mabilis ding mapapakinabangan ng kanilang pamilya ang kita para matustusan ang kanilang pang araw-araw na pagkain.
Labis naman ang kagalakan ng mga magsasakang nakabahagi sa nasabing proyekto . (Eagle News Service, Lucena City Correspondents Janet Armando, Leilani Mabuting, at Ram Valid)