Ayon sa grupong Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN), umaasa ang mga magsasaka kay Duterte na maipamamahagi na nito ang coco levy fund.
Naghihintay anila ang mga magsasaka sa Quezon sa mga planong gagawin ni Duterte para maibalik sa mga magsasaka ang nasabing pondo.
Matatandaang sa mga campaign speech ni Duterte, ipinangako niya na agad niyang ipamamahagi sa mga magsasaka ang coco levy fund sa unang buwan ng kaniyang administrasyon.
Sa panig naman ni incoming Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, nasa kamay na aniya ng bagong pangulo ang pagpapasiya hinggil sa nasabing pondo.
Sa pagtaya ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), aabot sa P83 billion ang kabuuan ng coco levy fund.