Nagbigay ng paala-ala ang punong guro ng Bontoc Central School sa lalawigan ng Mt. Province na si Ginoong Rodolfo Paspas, sa mga mag-aaral maging sa mga magulang ng nasabing eskwelahan, na laging magdala ng pananggalang sa ulan tulad ng payong at kapote.
Bahagi ito ng kampanaya nila upang maingatan at huwag magkasakit ang mga bata lalo na ang nasa kindergaten.
Kasama din sa ibinilin sa kanila katuwang ang mga guro na maging alerto sa lahat ng pagkakataon,huwag sasama kung kani-kanino at mag-ingat sa pagtawid sa kalsada.
Sa mga magulang at guardian naman pinaalalahanan, na samahan sa pagpasok at sunduin ang mga bata, pagkatapos ng klase lalo na ang nasa kindergarten at primary grade pupils.
(Agila Probinsya Correspondent Alexia Garcia)