Isinagawa ang sama-samang pagkilos ng ilang mga guro, mga estudyante at mga pribadong mamamayan upang tutulan ang planong pagmimina sa bayan ng Lobo, Batangas.
Ang Egerton Gold Phils Inc., ang kompanya na responsible sa nasabing pagmimina ng ginto ay ookupahin ang nasa humigit kumulang 263 sq.heactares na maaring gumamit ng mga pampasabog.
Ang Lobo, Batangas ay isang maliit na bayan sa Batangas subalit mayaman sa mineral at ganda ng kalikasan.
Kung papatagin ang mga kabundukan dito,maaaring maapektuhan di lamang ang bayang ito kundi maging ang bayan ng San Juan, Batangas partikular ang Laiya na siyang dinadagsa ng mga turista.
(Agila Probinsya Correspondent Ghadzs Rodelas)