Mga mangingisda sa Pangasinan, bawal pa ring pumalaot dahil sa sama ng panahon

 

INFANTA, Pangasinan (Eagle News) – Bawal pa ring pumalaot ang mga mangingisda sa Pangasinan dahil sa nararanasang sama ng panahon sa lalawigan.

Batay sa inilabas na gale warning, hindi muna pinapayagang pumalaot ang mga bangkang pangisda dahil sa banta ng malalakas na hangin at ulan sa karagatan.

Nakabantay ngayon ang Coast Guard na nakabase sa baybayin ng Sual, Alaminos, Infanta at Bolinao upang babalaan ang mga mangingisda kaugnay nito.

Sa dam update, patuloy na nagpapakawala ng tubig ang San Roque Dam.

Ayon kay Odette Rivero, Spokesperson ng National Power Corporation (NPC) nasa 276.78 meters above sea level ang tubig sa water reservoir as of 6 a.m. ngayong araw.

Nakabukas din ang gate 5 and 6 na may total gate opening na 3.5 meters at total outflow na 548 cms. Nora Dominguez