MALOLOS, Bulacan (Eagle News) — Ang mga may-asawang kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay nagsagawa ng Social Development Services Caravan sa Bulacan.
Ang SDS Caravan na isinagawa ng mga kabilang sa kapisanang BUKLOD sa Distrito ng Bulacan South ay para sa pagpapakita ng turo at gawa ng iba’t ibang bagay na pangkabuhayan.
Kabilang na dito ang Mushroom Growing, Paggawa ng Doughnut, Pabango, Kandila at iba pa.
Ang aktibidad na ito na naglalayong maisulong ang kasiglahan ng kapisanang BUKLOD ay ginanap sa Bulacan Provincial Capitol Gymnasium o KB Gym.
Ayon sa Tagapangulo ng SDS ng Bulacan South na si Minerva Mas, hangad din nila na makatulong sa pangkabuhayan ng mga kasapi sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, na sinubaybayan ng Tagapangasiwa ng Distrito ng Bulacan South na si Brother Ernesto Mabasa.
Ayon naman kina Romeo Samaniego at Rolando Velasquez, ilan sa mga dumalo sa caravan, naging kapakipakinabang ang kanilang pagdalo sa aktibidad dahil marami ang kanilang natutuhan.
. (Eagle News Service, Malolos, Bulacan Correspondent Dhen Mauricio Clacio)