CAMARINES NORTE (Eagle News) – Nanawagan ang mga minero (“magkakabod” sa lokal ng katawagan) sa mga bayan ng Paracale, Labo, at Jose Panganiban na bigyan anila sila ng alternatibong pangkabuhayan na babalingan matapos ipasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng minahang Bayan sa lalawigan. Malaki aniya ang magiging epekto nito sa kanilang pamumuhay na maaaring magresulta sa kanilang pagkagutom.
Nakatakdang magsagawa ng March Rally anumang araw ang naturang mga minero upang paalisin sa posisyon ang kasalukuyang kalihim ng DENR na si Sec. Gina Lopez. Plano din ng grupo ng magsagawa ng hunger strike sa Provincial Capitol Plaza.
Magsisimula ang kanilang pagmamartsa sa Bayan ng Paracale na halos apatnapu’t limang kilometro papuntang bayan ng Daet.
Mananawagan din umano sila at magpaparating ng hinaing kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte na kilalanin naman ang mga maliliit na mining sector dahilang sa hirap ng sitwasyon bilang “magkakabod” o minero.
Orlando Encinares – EBC Correspondent, Camarines Norte