Mga miyembro Iglesia Ni Cristo sa Kalinga nagsagawa ng tree planting activity

TABUK CITY, Kalinga (Eagle News) – Bagaman apektado sa nagdaang super typhoon Lawin ang lalawigan ng Kalinga ay hindi pa rin napigil ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa nasabing lalawigan para pangalagaan ang kalikasan.

Nitong Biyernes, October 28ay nagsagawa ng tree planting activity sa Sitio Soto, Bulo, Tabuk City, Kalinga. Maaga pa lamang ay nagtungo na ang mga miyembro ng INC sa lugar ng pagsasagawaan ng tree planting.

Ayon kay Bro. Pedro F. Castillo, District Minister ng Kalinga, ang aktibidad na ito ay bahagi ng pakikipagkaisa sa proyekto ng Pamahalaan ukol sa pangangalaga sa kalikasan. Pakikiisa din aniya nila ito sa patuloy na panawagan ng Pamamahala ng INC ang Kapatid na Eduardo V. Manalo na mapangalaagan ang kapaligiran at kalikasan.

Nagdulot din ng kasiyahan sa mga dumalo ang nasabing aktibidad. Nagsilbi na rin itong Family bonding ng mga magpapamilya. Ayon pa sa mga dumalong miyembro ng INC muli ay napatunayan nilang solido sila sa pagkakaisa.

JB Sison – EBC Correspondent, Kalinga

3a84ebc3-d829-4d4a-87c5-d5f1882c4042

6a2d3773-4947-4398-a691-4f8699db2190

6b0ed0d6-28af-46f1-bffb-f66f216cb05e

52db249d-3dfd-4d7e-9c8c-34b7bac3a4bd

63ea94b7-3c01-4176-8142-3ecae6a8ffd4

102b4065-66c3-48fd-a5af-2c34f8d04613

892e9f81-c38a-4503-9fbe-900f1cdcd207

955f5813-7aa6-4a13-a47e-f4563535afbd

6603e3ad-114b-4ee2-854c-324780c49097

51437bb0-2b46-4a5e-8f84-32890742229e

d1ea34a4-5f73-4f4c-b26d-e4fcfb3dfec9

e2ae31e9-5944-4b07-b1af-53a287c4dba7

e059777a-918d-4c43-a762-1aeb7b655f92