TABUK CITY, Kalinga (Eagle News) – Bagaman apektado sa nagdaang super typhoon Lawin ang lalawigan ng Kalinga ay hindi pa rin napigil ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa nasabing lalawigan para pangalagaan ang kalikasan.
Nitong Biyernes, October 28ay nagsagawa ng tree planting activity sa Sitio Soto, Bulo, Tabuk City, Kalinga. Maaga pa lamang ay nagtungo na ang mga miyembro ng INC sa lugar ng pagsasagawaan ng tree planting.
Ayon kay Bro. Pedro F. Castillo, District Minister ng Kalinga, ang aktibidad na ito ay bahagi ng pakikipagkaisa sa proyekto ng Pamahalaan ukol sa pangangalaga sa kalikasan. Pakikiisa din aniya nila ito sa patuloy na panawagan ng Pamamahala ng INC ang Kapatid na Eduardo V. Manalo na mapangalaagan ang kapaligiran at kalikasan.
Nagdulot din ng kasiyahan sa mga dumalo ang nasabing aktibidad. Nagsilbi na rin itong Family bonding ng mga magpapamilya. Ayon pa sa mga dumalong miyembro ng INC muli ay napatunayan nilang solido sila sa pagkakaisa.
JB Sison – EBC Correspondent, Kalinga