Mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng tree planting sa Sitio Cabog, Brgy. Matawe, Dingalan, Aurora.
Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo mula pa sa lalawigan ng Nueva Ecija, at mula sa bayan ng Dingalan, kasama din ang mga miyembro ng SCAN International, ay maagang dumating sa baybayin ng Sitio Cabog, Brgy. Matawe, Dingalan, Aurora upang isagawa ang tree planting.
Nilinis muna nila ang lupa na pagtatamnan ng mga puno.
Ang nakakatuwa dito, inilagay sa puno ang pangalan ng taong nagtanim at upang maingatan at ma-proteksyunan ang bawat punong itinanim, nilagyan nila ito ng tree guard.
Ang ganitong mga gawain ng Iglesia Ni Cristo ay nagpapakita ng pagkakaisa at pakikiisa ng mga kaanib sa pagmamalasakit at pag iingat sa ating kalikasan.
Nagbibigay din ito ng kamalayan sa mga mamamayan sa kahalagahan ng pagtatanim ng puno.
Upang masiguro na sariwa at malinis pa din ang hangin sa hinaharap na panahon.
Ehersisyo na din ito para sa kalusugan ng katawan, kaya naman kahit na pagod, masaya pa rin ang bawat isa sa kanila.
(Agila Probinsya Correspondents Arvie Jane Carino, Roger Espinosa At Dennis Centeno, Ako Si Eman Celestino)