Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng blood letting activity sa Pangasinan

Nagsagawa ng blood donation sa CSI Stadia ng Dagupan City ang Iglesia Ni Cristo. Ito ay sa layuning makatulong hindi lamang para sa mga kaanib ng Iglesia kundi para din sa lahat ng mga kababayan nating nangangailangan ng dugo.

Ang aktibidad na ito ay hindi lamang sa dako ng Stadia, Dagupan City kundi may mga inihahanda pang dako na kanilang pagdarausan ng blood donation activity tulad sa bayan ng Malasiqui, San Jacinto at San Carlos City sa mga susunod na buwan.

Ikinatuwa ng Region 1 Medical Center ng Dagupan City ang naging resulta ng aktibidad na ito. Ang mga nalikom na dugo ay agad namang idineliver sa Region 1 Medical Center at iti-nurn over sa blood bank ng nasabing hospital upang pangasiwaan ang pagsasaayos sa mga donasyong dugo.