Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng clean up drive sa Pangasinan

NAGSAGAWA ng clean-up drive ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa kahabaan ng Maramba Boulevard sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga INC ministers at evangelical workers na mga nakadestino sa gitnang bahagi ng Pangasinan.

Labing siyam na mga bayan sa Central Pangasinan ang sabayang nagsagawa ng linis bayan, ito ay bilang bahagi parin ng inisyatiba ng Iglesia Ni Cristo upang makatulong sa komunidad. (Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.