Matagumpay na naisinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang tree planting sa Barangay Alegria, bayan ng Caibiran, lalawigan ng Biliran.
Mahigit sa 400 na seedlings ng niyog at kahoy na kilalang sa tawag ng mga bisaya na “tuog” ang kanilang naitanim sa lupa ni Ginoong Arnel Chu, kaanib ng INC, na may sukat na dalawang ektarya.
Pangunahing layunin nito na makatulong sa kapaligiran at kalikasan.
Ibayong kasiglahan ang naidulot ng ganitong aktibidad sa mga nakadalo. Nakatulong din ito para lalong mapalapit ang damdamin ng bawat isang miembro kaya lalong nahayag ang pag-iibigan nila bilang magkakapatid sa pananampalataya.
Umani din ito ng paghanga mula sa mga hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo na naninirahang malapit sa dako kung saan isinagawa ang aktibidad.
(Agila Probinsya Correspondents Fibe June Villanueva, Andres Ocampo)