Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Pangasinan

Dalawang libong seedlings ang itinanim ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa kanilang Tree Planting Activity sa Eastern Pangasinan.

Maging ang mga senior citizen ng nasabing lalawigan ay nakilahok sa aktibidad at sumama sa pag-akyat sa bundok para magtanim ng puno.

Ang tree planting activity ay pinangunahan ng SCAN International.

Ang ganitong tree planting activity ay taunang isinasagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang bayan sa nasabing lalawigan.

(Agila Probinsya Correspondent Hezel Pulido)

Related Post

This website uses cookies.