Mga miyembro ng INC nagsagawa ng clean-up drive para sa gagawing Grand Evangelical Mission

Nagsagawa kamakailan ang mahigit isang daang miyembro ng Iglesia Ni Cristo ng isang clean-up drive o paglilinis sa kapaligiran ng corporate center ng clark development corporation o cdc at Clark Parade Grounds sa lalawigan ng Clark, Pampanga.

Ang nasabing paglilinis ay bilang paghahanda sa isasagawang malaking Evangelical Mission o Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos ng Iglesia Ni Cristo sa darating na Setyembre 26, 2015 na dadaluhan ng mga miyembro at kanilang mga panauhin na mula sa ibat’ibang bayan ng Pampanga at Tarlac.

Ang clean-up drive ay pinangunahan ni Kapatid na Willie Carabeo isang ministro ng INC at mga ibang maytungkulin ng INC na mula naman sa ibat’ibang barangay ng Mabalacat City.

(Agila Probinsya Correspondents Ener Ocampo, Jo Ann David)

Related Post

This website uses cookies.