Mga miyembro ng SCAN International, first responders sa bagyong ‘Lawin’

CAUAYAN, Isabela (Eagle News) — Isa ang SCAN International sa unang tumugon sa clearing operation sa mga kalsadang naharangan ng mga bumagsak na punong kahoy dahil sa bagyong Lawin.

Gamit ang itak, manu-manong tinaga ng mga miyembro ng SCAN mula sa Cauayan City ang naglalakihang sanga na nakaharang sa mga kalsada ng Naguillan, lalawigan ng Isabela.

Sa pangunguna ng Tagapangasiwa ng Distrito ng Isabela East na si Kapatid na Bernard Gonzales katuwang ang pangulo ng SCAN sa lokal ng Cauayan na si Kapatid na Oliver  Francisco nagsagawa sila ng clearing operation sa mga apektadong lugar sa lalawigan.

May ilang lokal na produkto rin ang kinailangang manu-manong itawid dahil sa naputol na tulay sa Barangay San Lorenzo na agad namang tinulungan rin ng mga miyembro ng SCAN International hindi lang bilang  pagtulong sa mga panahon ng kalamidad kundi sa pag sunod sa isa aral at doktrina ng Iglesia Ni Cristo, ito ay ang paglingap sa kapwa.