SISON, Pangasinan (Eagle News) — Nagsagawa ng first-aid seminar ang mga miyembro ng Society of Communicators and Networkers International sa silangang bahagi ng Pangasinan.
Ang aktibidad ay ginanap sa Barangay Esperanza, Sison, Pangasinan.
Ilan sa mga napagsanayan ay ang pagresponde sa mga aksidente, at ang cardiopulmonary resuscitation o CPR.
Nagsagawa din ng fire drill ang mga lumahok.
Layunin ng aktibidad na pinangunahan ng mga SCAN emergency first responder instructors na maturuan ang mga ibang miyembro ng organisasyon upang lalong madagdagan ang mga may kasanayan na makakatuwang sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay Ryan Rodrigo, isa sa mga EFR instructor, isang napakalaking oportunidad na maibahagi ang kaniyang kaalaman lalo na at alam niyang pakikinabangan ito ng ibang tao sa panahon ng pangangailangan.
Inaasahan naman na magkakaroon pa ng mga susunod na seminar sa ibang bahagi ng Pangasinan East, kabilang na rito ang camp management, incident command system at EFR marathon.
(Eagle News Service, Pangasinan Correspondent Raff Marquez)