Mga nag-aral sa Alternative Learning System (ALS) sa Cebu, nagtapos na

BANTAYAN Island, Cebu (Eagle News) —  Umabot ng 221 ang mga Out of School Youth o ALS  Learners ng Bantayan Island, Cebu ang nakapasa sa isinagawang A&E Test na ibinigay ng Bureau of Alternative Learning System  o BALS at nagtapos sa Elementarya at High School. Noong Huwebes, July 13 ay isinagawa ang Graduation Ceremony ng mga nasabing mag-aaral at tumanggap sila ng kanilang Diploma bilang katunayan na sila ay pormal na nakatapos ng kanilang pag-aaral. Ginanap ito sa Bantayan Multi Purpose Center.

Ayon kay Jail Inspector Manuel dela Peña, laking pasasalamat nila dahil 13 sa mga nagtapos ay mga inmates ng Bantayan District Jail na nabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa ALS.

Sa pahayag naman ng Division ALS Coordinator na si Dr. Corazon Fumar, ito ang huling Batch ng mga ALS graduate na pwedeng dumeretso sa kolehiyo at hindi na kailangang magpa-enroll  pa sa Senior High School. Sa kabuuan mayroong humigit sa 3,000 ALS graduate sa Probinsya ng Cebu sa taong ito na pwedeng pang makapag-enroll sa First Year College.

Samantala, laking pasasalamat ni Sonia V. Saagundo, 58 taong gulang, dahil natupad na ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng High School dahil anya hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral noong kabataan niya dahil sa kahirapan.

Courtesy: Arnulfo Compuesto – Bantayan Island Northern Cebu Correspondent

Related Post

This website uses cookies.