Mga naging biktima sa pambobomba sa Davao City binigyan na ng cash assistance

DAVAO City (Eagle News) – Pinangunahan ni Atty. Raul Nadela, Chief of Staff ng City Mayor’s Office ng City Government of Davao ang pamimigay ng cash assistance sa mga naging biktima ng ng pambobomba sa Roxas Night Market.

Matatandaan ng inaprubahan ng City Council ang pondong hinihingi ni Mayor Sara Duterte kamakailan upang magamit sa mga naging biktima ng nasabing pagsabog. Binisita rin nila ang labi ni SPO1 Jay Adremesin na isa sa mga namatay at binigyan ng pera ang pamilya nito.

Samantala, isinagawa na rin ang Turn Over Command Ceremony sa bagong hepe ng Task Force Davao na pinangunahan ni Mayor Sara Duterte Carpio. Pinalitan ni Col. Bernard Neri ang dating TF-Davao head Col. Henry Robinson.

Sa panayam naman kay Mayor Sara, inamin nito na tanging isa na lamang sa kaniyang pinagbubuntis na sanggol ang may pintig ang puso ngayon at patuloy pa umano itong lumalaban. Ipina-alam umano ng kaniyang doctor ang kalagayan ng kaniyang kambal Lunes ng umaga matapos itong bumisita sa mga biktima sa Roxas Night market Davao.

(Courtesy: Haydee Jipolan – Davao City Correspondent, Photo courtesy of City Govt. of Davao)

 

This website uses cookies.