Ini-anunsyo na ang mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya ng kauna-unahang pagtakbo ng TOFARM Film Festival sa bansa.
Ginanap ang naturang awarding ceremony sa Makati Shangri-La. Bago magsimula at habang ginaganap na ang mga pagbibigay parangal, nagkaroon ng pagtatanghal muna kina Christine Allado, the Whiplash Dance Company, at ng Aleron Choir. Ang gabi ng parangal ay pinangunahan nina Carla Abellana and Dingdong Dantes bilang mga hosts nito.
Ang “Tofarm Film Festival” ay ipinapakita at sentro ang buhay at pamumuhay ng mga kababayan nating magsasaka, mga proyekto, at awarding program na din para sa adbokasiya nitong “Most Outstanding Farmers of the Philippines.”
Itinakda ang pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok dito mula July 13 hanggang 19, subalit ipapagpatuloy ito hanggang July 26.
Best supporting actor si Micko Laurente ng pitong kabang palay habang hinirang naman na best supporting actress si Anna Luna ng Paglipay.
Si Bembol Roco ang itinanghal na best actor para sa pelikula niyang “Pauwi Na” habang ang kasama niyang si Cherrie Pie Picache sa pelikulang “Paglipay” ang hinirang na best actress.
Si direk Zig Dulay ang hinirang na best director, 3rd best picture ang Free Range, 2nd best picture ang Pitong Kabang Palay at nanguna naman bilang best picture ang Paglipay. Best story din ang “Pauwi Na”.
Narito pa ang ilang mga awards categories at ang mga nanalo sa anim na pelikulang kalahok sa tofarm film festival 2016.
BEST SOUND – Arnel De Vera, “Pitong Kabang Palay’
BEST MUSIC – Lorenzo Nielsen, “Pitong Kabang Palay”
BEST PRODUCTION DESIGN – Mao Fadul, “Pauwi Na”
BEST EDITING – Paolo Villaluna and Ellen Ramos, “Pauwi Na”
BEST CINEMATOGRAPHY – Albert Banzon, “Paglipay”
BEST SCREENPLAY – Maricel Cariaga, “Pitong Kabang Palay”
PEOPLE’S CHOICE AWARD – “Paglipay”
TOFARM FESTIVAL PROFESSIONAL RESPONSIBILITY AWARD – “Kakampi”
INGENUITY AWARD – “Pilapil”
JURY SPECIAL AWARD FOR OUTSTANDING FILM – “Pauwi Na”
TOFARM FILM FESTIVAL SPECIAL AWARD FOR OUTSTANDING ENSEMBLE – “Pitong Kabang Palay”
Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ang mga naging kalahok at ang buong produksyon sa pagtangkilik ng marami nating kababayan sa Tofarm Film Festival kaya ipagpapatuloy ito taon-taon.