(Eagle News) — Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nag-negatibo sa pagsusuri sa formalin ang mga nakolektang galunggong mula sa tatlong public markets.
Ayon sa BFAR, ang mga nakuhang samples ng galunggong ay mula sa Balintawak Market, Cubao Farmer’s Market, at Navotas Fish Port.
Una nang inihayag ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA-PILIPINAS) na ilang imported seafood products, kabilang ang galunggong ang tinurukan ng formalin at itinitinda sa mga palengke sa Metro Manila.
Ang formalin ay isang colorless solution ng formaldehyde sa tubig, na ginagamit sa pag-preserba sa mga biological specimens.
https://youtu.be/qbAU88N5As4