Idineklara na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga nanalong kandidato sa ikalawang distrito ng Samar.
Ayon sa Provincial COMELEC Chairman, na si Atty. Juan Bautista, Jr., ang nanalong kandidato sa pagka-kongresista ay ang incumbent Representative na si Milagrosa “Mila” Tan na nakakuha ng 130,929 boto, at ito na rin ang kaniyang huling termino. Para naman sa pagka-Gobernador ay si Sharee Ann Tan ang nanalo na nakakuha ng 187,856 na boto at si Stephen James “Jimboy” Tan ang ipinoklaramang Bise Gobernador na nakakuha ng 205, 079 na boto.
Pagkatapos na ma-i-transmit ang resulta mula sa mga presinto ng Bayan ng Villareal, Samar ay maayos ang naging resulta bilangan.
Ang mga katunggaling kandidato naman ay nagpahayag ng kanilang pagsuporta at handang makipagkaisa sa mga nanalo para na rin sa ikauunlad ng Lalawigan ng Samar.
Lubos na nagpapasalamat ang mga nanalong kandito sa lahat ng sumuporta sa kanila at ang mga mamamayan naman sa lalawigan ng Samar ay nagpahayag na rin ng pakikipagkaisa at pagsuporta sa pamamahala ng bagong Presidente ng Pilipinas na si Rodrigo “Digong” Duterte. (Eagle News Service, Samar)