BORACAY, Philippines (Eagle News) — Nagpapasaklolo na sa national government ang Philippine Chamber of Commerce and Industry para solusyunan ang araw-araw na brownout sa isla ng Boracay.
Sinabi ni PCCI Corporate Secretary Elena Blugger na nagpadala na sila ng sulat kay Pangulong Rodrigo R. Duterte dahil malaki na ang epekto nito sa mga establisyemento sa isla.
Ang isla ng Boracay ang itinuturing na gateway ng industriya ng turismo sa aklan.
Ayon kay Blugger, dapat nang maghanap ng alternatibong mapagkukunan tulad ng renewable energy ang mga awtoridad para hindi naisasakripisyo ang mga negosyo sa Boracay dahil sa problema sa supply ng kuryente rito.
https://youtu.be/JdJv3doBoZA