Mga banana exporter at grower sa Mindanao, nanawagang payagan sila na magkaroon ng armas

Umapela ang isang grupo ng mga negosyante sa Mindanao sa gobyerno na payagan sila na armasan ang kanilang mga security personnel upang maipagtanggol ang kanilang mga plantasyon mula sa pagsalakay ng mga hinihinalang miyembro ng komunistang grupo.

Ayon kay Alex Valoria, presidente ng Pilipino Banana Growers and Exporters Association, dapat ikunsidera ng Philippine National Police ang naunang desisyon na ideposito sa kanila ang mga armas ng mga security personnel at mga negosyante sa rehiyon.

Giit ni Valoria, wala silang kalaban-laban sakaling sumalakay sa kanila ang mga rebelde tulad ng New People’s Army (NPA) sa kabila ng umiiral na martial law o batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

 

Related Post

This website uses cookies.