(Eagle News) – Nagbabala ang Malacañang sa mga negosyante na nagsasamantala gamit ang Tax Reform and Inclusion o TRAIN law.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maaaring managot sa batas ang mga tiwaling negosyante sa bansa.
Ginawa ni Roque ang pahayag dahil sa reklamo ng taumbayan sa taas ng mga bilihin.
Ayon kay Roque totoong may epekto sa presyo ng mga bilihin ang TRAIN law dahil sa kaakibat na excise tax.
Inihayag ni Roque ang problema kung saan sinasamantala ng mga tiwaling negosyante ang TRAIN law kaya labis ang presyo ng mga bilihin.
Iginiit ni Roque na dapat sundin ng mga negosyante ang suggested retail price (SRP) na ipintutupad ng Department of Trade and Industry (DTI).
“Unfortunately may mga nagsasamantala sa TRAIN law at para magtaas din ang presyo ng ibat-ibang bilihin. Mayroon po tayong suggested retail price lalo na sa pagkain dapat mag-report sa dti. May multa at kaso ang mga lumalabag sa srp kaya huwag pong magsamantala,” pahayag ng opisyal.