Mga nilagaring kahoy nasabat ng Illegal Task Force-Quirino

NAGTIPUNAN, Quirino (Eagle News) – Huli ng Illegal Task Force ng Quirino ang isang forward truck na may lulan na mga nilagaring kahoy sa Nagtupinan, Quirino. Iba’t ibang uri ng kahoy ang nakita, tulad ng tangili, kalantas, white lauan, bagtikan at lamio na mayroon ding iba’t-ibang sukat.
Hindi na pinalampas pa ng task force at ng Philippine National Police ang mga nasabing kahoy ng ito ay dumaan sa check point ng Barangay Dipantan ng nasabing bayan.
Sa ginawang imbentaryo ng Provincial Natural Resources Environment Officer ay umabot sa 2,960 board feet ang nakumpiskang mga kahoy na nagkakahalaga ng halos 100,000 pesos.
Ang mga nakompiskang kahoy at forwark truck ay pag-aari ni Ruben Padapad, taga-Silang, Cavite.
Corazon Acoba – EBC Corrspondent, Quirino
Related Post

This website uses cookies.