Mga opisyal at empleyado ng PDEA, sumailalim sa biglaang drug testing

(Eagle News) – Muling nagsagawa ng surprise drug test ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang hanay.

Isinagawa ang surpresang mandatory drug test sa mahigit 600 empleyado at ahente sa national headquarters ng PDEA sa Quezon City.

Ito na ang pangalawang mandatory test na isinagawa ni PDEA Director General Aaron Aquino mula nang manungkulan sa ahensya.

Ang mga hindi nakiisa sa drug test ay pagpapaliwanagin ni Aquino.

Malalaman ang resulta ng drug test sa loob ng tatlong araw.

Ayon kay Aquino, lahat ng magpopositibo sa drug test ay isasailalim nila sa confirmatory test.

 

 

Related Post

This website uses cookies.