Ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Jory Lois, sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin na nararamdaman ang epekto ng Habagat sa buong Luzon bagaman magkakaiba aniya ang nararamdamang epekto nito sa iba’t ibang bahagi ng kabuuang isla.
Bukod sa Habagat, binabantayan din ng PAGASA ang iba’t ibang weather systems gaya ng namataang low-pressure area.
Ayon pa sa ahensya, sa ngayon ay maliit pa ang tsansa nito na maging bagyo.
Pero kung sakaling maging ganap na bagyo ay asahan na ang tuluy-tuloy pa na pag-ulan.
Samantala, posible anilang magtagal pa hanggang sa Setyembre ang pag-iral ng Habagat sa bansa.
Kaya naman patuloy na paalala ng PAGASA sa publiko na maging alerto at maging handa lalo na sa banta ng pagbaha o pagguho ng lupa.