QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Asahan ang mas marami pang ulan at mga posibleng pagbaha ngayong linggo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil tatagal pa hanggang sa Biyernes, Agosto 19 ang mga pag-ulang dulot ng southwest monsoon o habagat.
Partikular na inalerto ng PAGASA hinggil sa mga posibleng maranasang malakas na ulan at pagbaha ay ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region , Zambales, Bataan, Cavite, Batangas at Mindoro.
Samantala, pinag-iingat din ng pagasa ang publiko sa mga posible pang mabuong buhawi gaya ng nangyari sa Binondo, Maynila noong linggo.